NWRB, hinihintay na lamang ang go signal ng pagasa para sa pagsasagawa ng cloud seeding operation

Nakikipag-ugnayan na ang National Water Resources Board (NWRB) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) maging sa PAGASA para sa pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Angat Dam watershed.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Sevillo David, Jr., executive director ng NWRB, importante ang go signal ng PAGASA bago sila magkasa ng cloud seeding operations.

Kailangan kasing may mamuong ulap sa watershed ng Angat Dam at saka magpapalipad ng eroplano para sa naturang cloud seeding operation.


Importante aniya ito upang magkaroon ng pag-ulan sa Angat Dam nang sa ganon ay hindi bumaba ng husto ang lebel ng tubig doon lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Ani ni David, kailangang magtipid ng tubig ang lahat upang hindi na maulit ang nangyaring water crisis noong 2019 kung saan nagpatupad ng serye ng water interruption.

Facebook Comments