NWRB, inaprubahan ang karagdagang alokasyon ng tubig sa MWSS ngayong Hulyo

Binigyan ng National Water Resources Board (NWRB) ng karagdagang alokasyon ng tubig ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Ito’y matapos aprubahan ang 2 cubic meters per second na karagdagang alokasyon para sa 50 CMS na mas mataas kaysa sa regular na 48 CMS.

Ginawa ito ng NWRB upang mabawasan ang water interruption at pagtiyak na mayroong sapat na tubig sa paparating na El Niño phenomenon.


Ang pag-apruba sa naturang water allocation ay bahagi ng water management strategy ng NWRB, upang mapanatili ang sapat na water level ng Angat Dam sakaling magpapatuloy pa rin ang El Niño.

Umaapela sa publiko ang NWRB na magtipid sa paggamit ng tubig at inirerekomenda ang pag-recycle ng tubig tulad ng pag-ipon ng tubig-ulan.

Facebook Comments