NWRB, ipaprayoridad ang suplay ng tubig sa Metro Manila at kalapit probinsya kapag naabot ng Angat Dam ang 180 meter level

Ipaprayoridad ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila at kalapit na probinsya kapag naabot ng Angat Dam ang 180 meter level.

Sabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr., posible kasing maglabas ng El Niño alert ang PAGASA sa darating na Mayo.

Sa ilalim ng El Niño alert status, asahan na ang mas mababang dami ng ulan kaya iginiit ni David ang ibayong paghahanda habang nananatiling normal ang sitwasyon.


Sinusuplayan ng Angat Dam ang 90% ng tubig sa Metro Manila at nagbibigay rin ito ng patubig sa 25,000 ektarya ng sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Una nang inaprubahan ng NWRB ang hiling ng MWSS na alokasyong 52 cubic meters per second hanggang May 2023 upang tugunan ang water interruption na nararanasan ng ilang kustomer ng Maynilad.

Facebook Comments