NWRB, naglatag na ng mga hakbang para maiwasan ang pagsadsad ng tubig sa Angat Dam

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng National Water Resources Board (NWRB) kasunod ng inaasahang pagbaba pa ng lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong summer season.

Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., sapat pa naman ang water level sa Angat para masuplayan ng tubig ang mga taga-Metro Manila at karatig probinsya.

Gayunman, naglatag na sila ng hakbang para maiwasan ang lalong pagsadsad ng tubig sa dam kabilang na ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.


Sa panig naman ng MWSS at mga water concessionaire, naghahanap na sila ng iba pang pwedeng mapagkunan ng tubig gaya ng mga deepwell at water treatment facilities.

Naniniwala naman si David na napapanahon na para simulan ang mga proyektong makakapagbigay ng seguridad sa suplay na tubig sa NCR at mga katabing lalawigan gaya ng nasa Laguna Lake, Kaliwa at Kanan River at Marikina River.

Kapag naisakatuparan, asahan na aniya na masisimulan itong mapakinabangan sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Facebook Comments