Umaasa ang National Water Resources Board (NWRB) na tataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa pagpasok ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan.
Nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taon.
Pero sakaling hindi ito mangyari, sinabi NWRB Executive Director Sevillo David Jr., posibleng bawasan pa ang alokasyon ng tubig at maaaring magdulot pa ng mas mahabang oras na Water Service Interruption.
Sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, hiniling na niyang imbestigahan ang Maynilad at Manila Water sa Kamara upang malaman ang ugat ng problema sa supply ng tubig
Aniya, dapat putilin ng gobyerno ang kontrata nito sa dalawang water concessionaires kung paulit-ulit lang magkakaroon ng problema.
Depensa ng NWRB, hindi madaling makahanap ng mga bagong mapagkukunan ng supply ng tubig.
Sa ngayon, ang pinakamabilis na pwedeng kunan ng supply ay deep wells.