NYC Chairman Ronald Cardema, pinasisibak ni Bayan Muna Rep. Zarate

Manila, Philippines – Pinatatanggal sa pwesto ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Ito ay kasunod ng suhestyon ni Cardema na bawiin ang scholarship ng mga mag-aaral na nakikilahok sa kilos-protesta.

Giit ni Zarate, hindi sapat na kinukundena lamang si Cardema kundi dapat itong sibakin na sa pwesto.


Aniya, malaking kahihiyan sa NYC at sa gobyerno si Cardema na tiyak mababaon sa kasaysayan kasama ng mga iniidolo nitong abusado.

Inihambing rin niya si Cardema sa Nazi leader na si Adolf Hitler dahil sa napakababang lebel ng kanyang pang-unawa sa papel ng mga kabataan sa nation-building.

Facebook Comments