NYC Chairman Ronald Cardema, pinatatanggal ni Senator Chiz Escudero sa pwesto

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Education Chairman Senator Francis Chiz Escudereo, na sipain sa pwesto si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema dahil wala umano itong alam sa konstitusyon.

Pahayag ito ni Escudero makaraang hilingin ni Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng scholarship ang mga estudyante na lumalahok sa anti-government rallies at protest actions.

Paalala ni Escudero kay Cardema, ginagarantiyahan ng konstitusyon ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon.


Diin pa ni Escudero, ang gobyerno ay para sa mga pabor at kontra dito at ang pangulo ng bansa ay para sa mga bomoto at hindi bomoto sa kanya.

Punto ni Escudero, dapat lang pagsilbihan ng pamahalaan at ng pangulo ang bawa’t Pilipino anuman ang paniniwalang pampulitika ng mga ito.

Malinaw para kay Escudero na ang suhestyon ni Cardema ay para sa pangsariling intres nito at paraan ng pagpapabida kay Pangulong Duterte na sa halip makatulong ay makakasama pa kaya dapat na itong alisin sa pwesto.

Facebook Comments