NYC Chairperson Ronald Cardema, iginiit na pananagutin sa hindi tamang paggamit ng pondo para sa SK training

Hiniling ng Kabataan Party-list na papanagutin si National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema sa hindi tamang paggamit ng pondong inilaan para sa Sangguniang Kabataan (SK).

Batay sa pinakahuling Commission on Audit (COA) report, aabot sa mahigit ₱651 million na pondo para sa training ng mga SK officials sa ilalim ng NYC ang ginamit sa anti-communist campaign ng gobyerno.

Ang nasabing halaga ay ginamit sa mga aktibidad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) tulad sa red-tagging at counterinsurgency.


Giit ng Kabataan na nakakahiya na sinisingil pa ng libu-libong piso ng NYC ang mga SK officials para sa mga online trainings gayong may sapat naman palang pondong inilaan na hindi nagugol ng maayos sa proyekto.

Umapela ang Kabataan sa Marcos administration na papanagutin si Cardema at huwag na itong italaga sa ahensya.

Nanawagan din ang grupo ng masusing imbestigahan din ng Kongreso ang mga anomalyang natuklasan ng COA.

Facebook Comments