Manila, Philippines – Nilinaw ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema na hindi niya iminungkahi na alisan ng scholarship sa state universities at colleges ang mga estudyanteng lumalahok sa mga rally kontra gobyerno.
Ito ay matapos umani ng pambabatikos si Cardema at ipanawagan ang pagsibak sa kaniya pwesto dahil sa kaniyang naging pahayag.
Ayon kay Cardema, ang pinapatanggalan niya ng scholarship ay ang mga estudyanteng tuluyan ng sumasapi sa komunistang grupo.
Gayunman, aminado si Cardema na mahirap tukuyin kung ang isang estudyante ay kalaban na pala ng estado.
Aniya, bahagi ng demokrasya ang pagpo-protesta laban sa gobyerno o sa pangulo.
Facebook Comments