OA? | Paghahanda sa pagdating ng Presidente ng China, tinawag Kinuwestiyon ng mga militanteng grupo

Manila, Philippines – Inupakan ng mga militanteng grupo ang paghahanda ng Philippine National Police sa nakatakdang pagbisita sa bansa ngayong araw ni Chinese President Xi Jinping.

Kinukwestiyon ni Anakpawis party-list rep. Ariel Casilao ang pagbibigay ng red carpet treatment sa isang leader na kumamkam ng West Philippine Sea, naglagay ng military facility, bukod pa sa pangha- harass na ginagawa sa mga mangingisda.

Ang 5500 PNP personnel na may 200 augmentation force na ikinasa ng aniya pnp ay sobra-sobrang pwersa para sa isang personalidad na gaya ni Xi Jinping.


Ang pwersang ito ani ni Casilao ay laan lamang para itaboy ang iba’t-ibang grupo na nagkasa ng kilos protesta at ipakita ang matinding pag-alma ng publiko sa pagdating ng Chinese leader.

Ngayong araw ay kasado na ng iba’t-ibang grupo ang mga kilos protesta na magsisimula sa pamamagitan ng pagsugod sa chinese consulate sa Makati City.

Facebook Comments