OATH TAKING | Mga bagong correction officers at iba pang kawani ng BuCor, nanumpa ngayong araw

Pinangunahan ni Bureau of Corrections Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang oath taking ceremony ng 607 newly recruits corrections officers and technical officers sa BuCor.

Sa talumpati ni Dela Rosa sinabi nitong napakapalad ng mga bagong kawani ng ahensya dahil sila ang pinakaunang recruit na makakatikim ng BuCor Modernization Law.

Sa nasabing batas tumaas ang sweldo ng mga kawani ng ahensya kung saan nasa halos P30,000 ang basic salary ng mga bagong correction officers.


Agad namang sasabak ang mga ito sa kanilang 3 buwang training at ibabyahe mamaya patungong Sablayan Prison & Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Pakiusap ni Dela Rosa sa mga newly recruits corrections officers at technical officers na huwag na huwag magpapagamit sa mga drug lords at magpapasilaw sa pera.



Facebook Comments