Oath-taking ni incoming DepEd Secretary Sonny Angara, posibleng idaos sa July 19

Posibleng itakda sa July 19 ang oath-taking ni incoming Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Sa petsang ding iyon kasi ang huling araw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensya.

Ayon kay Angara, kung matuloy ang kanyang panunumpa sa July 19 ay magre-resign na rin siya sa Senado.


Sinabi ng Kalihim na malabo na siyang makapunta pa sa pagbubukas ng sesyon ng 3rd regular session ng 19th Congress sa umaga ng July 22 tulad ng naunang hiling ni Senator Nancy Binay dahil hindi pwedeng humawak ng dalawang posisyon kapag nakapanumpa na.

Samantala, sa July 18 aniya ang turn-over sa kanya ni VP Duterte ng tungkulin at nagsimula na rin siyang makipag-usap sa ilang mga DepEd official upang may alam na siya kahit papano sa mga nakabitin ngayon na proyekto na dapat bigyang pansin at unahin sa ahensya.

Facebook Comments