Oathtaking ceremony ng mga bagong PCG Auxiliary, isinagawa ngayong Martes ng hapon; Radyoman Aljo Bendijo, kasamang nanumpa

Isang oathtaking ceremony ang isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang mga bagong talagang auxiliary officers.

Ginanap ang seremonya sa PCG Headquarters sa Maynila.

Isa si DZXL News anchor Aljo Bendijo sa itinalaga bilang bagong PCG Auxiliary Commodore.

Personal itong nanumpa kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan kasama ng iba pang bagong talagang opisyal.

Kasama sa kanilang tungkulin ang pagsusulong na i-promote ang kaligtasan at seguridad ng buhay sa karagatan, protektahan ang marine environment, magsagawa ng search and rescue operations at pagtulong sa youth development.

Para kay Admiral Gavan, malaki ang ambag ng mga PCG Auxiliaries sa kanilang ginagampanang pagprotekta sa ating karagatan.

Sinabi ni naman ni Radyoman Aljo na makatutulong din ang pagiging bahagi niya ng RMN DZXL upang magpakalat ng mahahalagang impormasyon lalo na sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments