OB at Pediatric Wards ng San Juan Medical Center, pansamantalang isinara matapos mahawa ang isang doktor at nurse sa isang pasyenteng may COVID-19.

39

Inihayag ngayon ng pamunuan ng San Juan Medical Center na sumailalim na rin sa swab testing ang lahat ng close contacts ng isang doktor at nurse na nahawa sa isang pasyenteng may COVID-19 at kasalukuyang naka-quarantine habang naghihintay ng kani-kanilang resulta.


Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na-disinfect na rin ang mga ward at inaasahang muling magbubukas sa Sabado, July 11, 2020, kapag lumabas na ang resulta ng RT-PCR Tests ng mga close contacts ng nurse at doktor.

Paliwanag ng Alkalde, mahigpit pa ring ipinatutupad sa lungsod ang social distancing at pinagbabawalan na rin pumasok sa mga gusali ang mga walang suot na facemask upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Pinayuhan naman ni Mayor Zamora ang mga buntis at magulang na magpapa-eksamin na kung maaari ay pansamantala munang kumonsulta sila sa Out Patient Department ng San Juan Medical Center o kaya’y sa ibang ospital habang sarado pa ang mga ward.

Facebook Comments