Obispo, may panawagan kontra kasinungalingan at korapsyon

Nanawagan si Bishop Elias Ayuban ng Diocese of Cubao sa mga mananampalataya na maging mapagbantay sa gitna ng kasinungalingan at korapsyon.

Sa kaniyang recorded message sa isinasagawang indignation rallies against corruption sa EDSA Shrine, ipinaalala ni Bishop Ayuban na hindi lang sa pagboto ang responsibilidad ng mga mananampalataya.

Aniya, may tungkulin ang lahat sa paghahanap ng katotohanan.


Ito aniya ay mahalaga sa paghubog ng demokrasya.

Anumang pagtatangka aniya na ito ay lapastanganin ay dapat harapin ng isang kolektibong pagkilos.

Hinikayat niya ang taong-simbahan na ipanalangin ang mga lider ng bansa na kumilos nang may katarungan at pagmamahal alang-alang sa kinabukasan ng bansa.

Facebook Comments