Obispo, umapela para sa tuluyang pagbabawal sa hazing

Manila, Philippines – Nananawagan na rin ang obispong katoliko para sa tuluyang pagbabawal ng hazing kasunod ng pagkamatay ni Horacio Castillo III na dumanas ng matinding pananakit mula sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, hindi dapat salubungin ng pisikal na pananakit ang isang neophyte dahil hindi naman dito nasusukat ang tunay na diwa ng pakikipagkapatiran.

Paliwanag ni Mallari, ang hazing ay hindi umano dapat nangyayari lalo na sa mga Catholic school gaya ng University of Sto. Tomas.


Sa halip, ang dapat umanong pairalin sa bawat kapatiran ay ang pagmamahal at pakikisama ni Hesus sa kanyang mga desipulo.

Facebook Comments