Manila, Philippines – Obligado na ang mga kompanya na sumunod sa occupational safety and health standards law matapos itong lagdaan ni Pangulong Duterte.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, layon ng batas na mabigyan protesyon ang mga manggagawa laban sa anumang panganib mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Ito ay para hindi na maulit ang malagim na sinapit ng mga manggagawa sa nasunog na Kentex Factory at sa sunog sa NCCC Mall sa Davao City.
Ayon kay Maglunsod, mahigpit silang naka-monitor para maipatupad ang batas na nangangalaga sa kaligtasan ng manggagawang Pilipino.
Papatawan naman ng P100,000 multa ang mga kompanyang hindi susunod sa occupational safety and health standards.
Facebook Comments