OBLIGADO | Inihaing impeachment complaint sa 7 mahistrado, dapat aksyunan ng Kamara – Lagman

Manila, Philippines – Obligado ang liderato ng Kamara na aksyunan ang inihaing impeachment complaint laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, constitutional mandate ng Kamara na aksyunan at idaan sa tamang proseso ang impeachment complaint.

Batay sa rules, kailangang isumite ng secretary general ng Kamara sa office of the speaker ang reklamo.


Bibigyan naman ng sampung araw ang house speaker para ipasa ang complaint sa rules committee.

Habang ang rules committee ay may tatlong araw para isama ang usapin sa agenda ng plenaryo.

Ang plenary session naman ang magre-refer nito sa justice committee na may 60 session days para dinggin at resolbahin ang impeachment complaint.

Facebook Comments