Manila, Philippines – Obligado ang pagkakaroon ng reorganization sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kapag tuluyang naisabatas ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez matapos na makapasa na sa Kamara ang BBL.
Ibig sabihin nito magkakaroon ng joint organization ang AFP kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil mayroong joint peace and security teams.
Sinabi pa ni Galvez na aasahan na ang mas maraming cooperative engagement sa pagitan ng MILF at AFP kung maipapasa ang BBL.
Naniniwala pa ang opisyal na makakatulong ang BBL para matapos na terorismo sa Mindanao.
Base sa ilalim ng BBL, bubuwagin na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at papalitan ng Autonomous Region of the Bangsamoro (ARB).
Pero ang Bansamoro police at military ay nasa ilalim pa rin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).