Obligadong pagbili ng government institution at food service establishment ng agri products sa mga magsasaka, isinulong sa Kamara

Iginiit ni Benguet Rep. Eric Go Yap na obligahin ang government institutions at food service establishments na bumili ng mga produktong agrikultural sa mga lokal na magsasaka at producers sa bansa.

Nakapaloob ito sa inihain ni Yap na House Bill 316 o “Marketing and Utilization of Local Agricultural Produce Bill”.

Layunin ng panukala na suportahan ang mga magsasaka at maprotektahan ang kanilang kita pati ang produksyon para makamit ang “food security”.


Nakapaloob din sa panukala ang pagtanggal sa sistema na “middleman” upang maging direkta ang pagbili ng mga produkto sa mga magsasaka.

Nilinaw naman sa panukala na maaring hindi bumili o kumuha ng mga produkto sa ating mga magsasaka o local producer kung hindi na angkop para sa “human consumption,” kapos sa supply, mas mahal o hindi praktikal kumpara sa imported na mga produkto at mababa na ang kalidad.

Facebook Comments