OBLIGADONG PAGTATANGGAL NG MGA NAKAHILIG NA PUNO ACACIA SA LA UNION, IMINUNGKAHI

Binigyang-diin ng isang mambabatas sa La Union na kinakailangan at obligasyon ng ilang ahensya ng gobyerno na alisin ang mga nakahilig o malapit nang matumba na puno ng acacia sa mga provincial at national roads sa lalawigan.

 

Naungkat ang naturang usapin matapos ang malawakang pinsala ng Bagyong Emong dahil sa panganib na posibleng maidulot sa mga ari-arian at kaligtasan ng mga residente. Matatandaan na nawasak ang isang tanyag na landmark sa San Fernando City matapos madaganan ng malaking puno dahil sa bagyo.

 

Hinimok sa pamamagitan ng resolusyon na magsagawa ng expert evaluation ang Department of Environment and National Resources (DENR) upang ipag-utos ang pagpuputol sa mga puno at pagbabawas sa mga sanga nang walang permit bilang kanilang inisyatibo.

 

Sakaling makapasa ang resolusyon, iminungkahing gawing upuan at mesa sa mga pampublikong paaralan at opisina ang mga pinutol na puno matapos ang kaukulang proseso.

Facebook Comments