Obserbasyon ng Ramadan sa ilang lugar sa Mindanao, apektado na ng umiiral na martial law

Mindanao – Apektado na ang obserbasyon ng Ramadan sa ilang lugar sa Mindanao ng nagpapatuloy na martial law sa rehiyon.

Kabilang na rito ang Sultan Kudarat, North Cotabato at Maguindanao.

Ayon kay South Cotabato Provincial Muslim Affairs Chairman Sultan Mutalib Sambutu, nakakatanggap sila ng report galing sa mga kasamahang Muslim leaders na nahaharap sila ngayon sa ilang problema dahil sa batas militar doon.


Aniya, nagdadalawang isip ang mga itong pumunta sa mga mosque dahil na rin sa takot na mahuli dahil sa umiiral na curfew.

Dagdag pa nito, mahirap para sa kanila ang sitwasyon dahil imposibleng baguhin ang kanilang nakasanayang tradisyon kaya’t umaasa na magkaroon ng konsiderasyon ang gobyerno at mga otoridad sa kanila.
DZXL558

Facebook Comments