Obstruction of justice laban kay Trump, hindi napatunayan

Hindi nakitaan ni Special Counsel Robert Mueller si US President Donald Trump o kanyang mga associates na nakipagsabwatan sa Russia noong 2016 US elections.

Base sa report, hindi sapat ang mga ebidensya para kasuhan ng obstruction of justice si Trump.

Bagamat hindi napagtibay nito na nakagawa si Trump ng krimen, hindi pa rin siya ipapawalang sala.


Pero sa Twitter post, iginiit ni Trump na walang sabwatang nangyayari at walang ring obstruction kaya siya ay walang sala.

Sa ngayon, wala pang plano ang kampo ni Mueller na maghain ng bagong demanda.

Facebook Comments