Obstruction sa kahabaan ng Adriatico sa Ermita, Maynila, inirereklamo rin pala mismo ng mga brgy officials

Manila, Philippines – Hindi lang pala ang mga motoristang dumadaan sa kahabaan ng Adriatico sa Ermita, Maynila ang nagrereklamo dahil sa mga illegal pay parking ng mga motorsiklo at double parking sa lugar.

Hindi naabutan ng DZXL Pulso ng Metro sa barangay hall si Barangay Chairwoman Cynthia Llorente dahil on leave siya.

Pero isang barangay official ng Barangay 669 Zone 72 na tumangging magpakilala, ang nagpaabot na maging sila ay problemado rin sa mga obstruction sa lugar lalo na at nasa  harapan lamang ng barangay hall ang illegal pay parking ng mga motorsiklo.


Aniya, hindi nila mapaalis ang nangongolekta sa parking dahil may pinadala sa kanilang sulat ang Manila Traffic and Parking Bureau na pirmado ng isang Director Dennis Viaje.

Sa kabila nito, sumulat na rin aniya sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno si Barangay Chairperson Llorente.

Ayon naman sa isang on-duty na barangay tanod, nakakadagdag daw sa obstruction sa Adriatico ang mga Grab drivers na nag-aabang ng mga magpapa-book na pasahero.

Umaasa naman ang barangay officials sa lugar na aaksyunan ng Manila City Government ang naturang problema sa patuloy na pag-iikot at paglilinis na ginagawa sa lungsod ni Mayor Isko Moreno.

Facebook Comments