Occidental Mindoro, nagdeklara na ng “dengue outbreak” dahil sa mataas ng kaso ng nasabing sakit doon!

Nagdeklara na ang lalawigan ng Occidental Mindoro ng “dengue outbreak” kasunod ng naitatalang mataas na kaso ng nasabing sakit doon.

Ito ay batay na rin sa inilabas na Executive Order No. 42 ni Governor Eduardo Gadiano, kung saan ayon sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit na ang Occidental Mindoro ang may pinakamataas na kaso ng dengue sa buong MIMAROPA region na may 1,123 na kaso na 42.36 percent ng 2,887 kabuuang kaso ng nasabing rehiyon.

Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, natukoy nila ang mga kaso sa 41 na barangay at nakapagtala na rin ng limang nasawi dahil sa dengue.


Sinabi na ni Gadiano na inaatasan na niya ang lahat ng mga district at provincial hospitals na magbigay ng kinakailangang tulong sa lahat ng mga pasyente.

Dagdag pa ng gobernador, sinabihan na rin niya ang lahat na local government units (LGUs) na sa pamamagitan ng mga municipal health officers at kani-kanilang barangay ay dapat magpatupad ng courses of actions na nakasaad sa inilibas na kautusan.

Facebook Comments