Niyanig ng Magnitude 4.9 na lindol ganap na alas 4:46 kaninang madaling araw ang Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 13 kilometro sa Hilagang-Kanluran ng Abra de Ilog.
Paliwanag pa ng PHIVOLCS, may lalim sa 11 kilometro ang pinagmulan ng pagyanig at tectonic ang dahilan ng lindol.
Naitala ang intensity IV sa Abra de Ilog at Mamburao, Occidental Mindoro,Intensity III – City of Calapan, Oriental Mindoro Intensity II – City of Tagaytay, Cavite Intensity I – Batangas City, Cuenca, Mataas na kahoy, and San Luis, Batangas
Inaasahan ng PHIVOLCS, na may dalang pinsala ang pagyanig ng lindol pero walang inaasahang aftershocks.
Facebook Comments