Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Occidental Mindoro Biyernes ng gabi.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang pagyanig alas-9:37 ng gabi.

Naitala ang pagyanig sa 19 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Calintaan at tectonic ang pinagmulan habang may lalim din itong 15 kilometro.


Naramdaman ang pagyanig sa mga kalapit na lugar, gayundin sa Bicol Region, Antique at Quezon.

Naiulat ang Intensity IV sa San Jose, Occidental Mindoro at Intensity 2 sa Malay, Aklan.

Asahan ang aftershocks.

Facebook Comments