Inirekomenda ni Senator Francis Tolentino na i-renew sa kada lima hanggang pitong taon ang occupancy permit para sa isang bahay o gusali.
Ang mungkahi ng senador ay para mapaghandaan ng husto ng Pilipinas ang posibleng epekto sakaling yanigin ang bansa ng “The Big One” matapos makita ang epekto ng 7.8 magnitude na lindol sa Turkiye at Syria.
Giit ni Tolentino, hindi dapat ginagawang panghabambuhay ang occupancy permit.
Sa ilalim ng National Building Code, ang occupancy permit o certificate of occupancy ay binibigay bago mapahintulutang ma-okupa ang isang gusali.
Paliwanag ni Tolentino, kung periodic ang pagkuha ng occupancy permit ay regular na maiinspeksyon at maisasaayos ang structural integrity o ang pagiging matibay ng itinayong gusali gayundin ang electrical wiring, pundasyon at plumbing ng mga imprastraktura.