Umaabot na lamang sa higit 20 percent ang occupancy rate ng COVID beds sa mga hospital sa lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 23 percent ang occupancy rate sa anim na district hospital.
Nasa 116 na COVID beds ang okupado mula sa 501 kama na inilaan para rito.
Umaabot naman sa 14 percent ang occupancy rate sa Manila COVID Field Hospital kung saan nasa 48 ang okupado mula sa 344 na higaan na inilaan para rito.
Nananatili naman bakante ang lahat ng COVID beds sa 14 na quarantine facility sa lungsod na pinaglaanan ng 923 bed capacity.
Sa kasalukuyan, nasa 324 ang naitalang aktibong kaso sa Maynila habang 1,694 ang nasawi at 87,738 naman ang nakarekober.
Facebook Comments