Unti-unting tumataas ang occupancy rate sa anim na district hospital at field hospital gayundin sa mga quarantine facility sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng Manila Health Department (MHD), mula sa 15 percent tumaas sa 20 percent ang okupado sa quarantine facilities sa Maynila para sa mga asymptomatic at mild cases.
Nasa 177 mula sa 878 na COVID beds ang okupado na sa mga quarantine facility.
Umabot sa 47 percent ang occupancy rate sa COVID beds ng anim na ospital kung saan 233 mula sa 491 na kama ang okupado.
Umakyat din sa 94 mula sa 92 percent ang occupancy rate sa field hospital sa Luneta para sa mga may mild at moderate na sintomas ng sakit.
Bukod dito, nasa 323 mula sa 344 na COVID beds ang okupado na ng mga pasyente.
Sa kabila ng halos na pagkapuno sa field hospital ng mga pasyenteng may mild at moderate condition ng COVID-19, inihayag ni Mayor Isko Moreno na malaking bagay ito dahil natututukan ng mga doktor sa ibang hospital ang ibang pasyente na nakakaranas ng severe at critical conditions ng virus.