Occupancy rate sa COVID patients sa Pasay City Gen. Hospital, nagsimula nang bumaba

Unti-unti nang bumaba ang occupancy rate ng Pasay City General Hospital.

Ayon kay Dr. John Victor de Gracia, Officer-in-Charge Medical Director ng ospital, bumaba na sa 82% ang okupadong mga kama sa ospital.

Ito aniya ay mula sa dating 103% noong April 7 noong magsimulang dumami ang COVID patients sa ospital.


Ayon pa kay Dr. De Gracia, ang kanilang 32 beds sa COVID ward ay may sobra pang 6 sa ngayon kasama na rito ang 2 sa Intensive Care Unit (ICU).

Malaki anya ang naitulong ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine lalo na kapag sinabayan aniya ito ng mabilis na rollout ng mga bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments