Occupancy rate sa Metro Manila hotels na nagsisilbing quarantine facilities, umabot na sa 82%

Napupuno na rin ang mga hotel sa Metro Manila na nagsisilbing quarantine facilities.

Kasunod ito ng patuloy na tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, pumalo na sa 82 percent mula sa 80 percent ang occupancy rate ng Metro Manila hotels.


Aniya, kinukulang na ng isolation at treatment facilities sa Metro Manila dahil sa mga dumadating na returning overseas Filipinos (ROFs) at Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tiniyak naman ni Vega na naghahanap na ang pamahalaan ng mas malaking facility sa Subic.

Hiniling na rin nila sa Department of Education (DepEd) na gawin munang quarantine facilities ang ilang pampublikong paaralan sa bansa.

Facebook Comments