Occupancy rate sa mga ospital sa Metro Manila, nananatili pa rin mababa

Nananatiling mababa ang occupancy rate o ICU bed capacity sa ilang ospital sa Metro Manila.

Kasabay ito ng pag-downgrade ng naitatalang kaso ng COVID-19, pagbaba ng reproduction number o bilis ng hawaan na nasa 0.44 na lamang at pag-abot sa 1.47% ng positivity rate.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Jose Rene De Grano na hindi katulad ng dati, kakaunti na lamang ang mga COVID-19 patient na nasa ospital.


Pero payo nito sa publiko, huwag pa ring magpakampante dahil nandiyan na rin ang virus.

Sa ngayon, naghahanda na rin ang mga ospital sa posibleng surge muli ng mga kaso sakaling makapasok sa bansa ang Omicron variant.

Facebook Comments