Occupancy rate sa Pasay City General Hospital, nasa critical risk na

Kinumpirma ng Pasay City General Hospital na 90% na ang occupancy rate nila para sa COVID-19 confirmed ward.

Ito ay nangangahulugan na nasa critical risk rating na ang kanilang pagamutan.

Sa ngayon, wala nang bakanteng COVID Intensive Care Unit (ICU) beds sa Pasay City General Hospital habang 3 na lamang ang regular COVID beds.


40 % naman ang occupancy para sa COVID transition wards habang
12 ang available na isolation beds.

Bukod sa 90% COVID ICU occupancy, 72% na rin ang occupancy sa lahat ng COVID beds sa nasabing pagamutan.

Nananatili namang sarado pansamantala ang emergency room ng Pasay City General Hospital para sa COVID at non-COVID patients.

Pero prayoridad pa rin sa admission ang mga residente ng Pasay na tinamaan ng Coronavirus.

Ang magandang balita, wala namang bagong COVID patient na binawian ng buhay sa nasabing pagamutan.

Facebook Comments