Balik na sa normal ang occupancy rate ng Pasay City General Hospital (PCGH) para sa COVID confirmed ward.
Sa ngayon kasi ay 31% ang occupancy rate sa nasabing pagamutan kung saan ito ay nasa normal o safe risk rating.
4 din ang bakanteng COVID Intensive Care Unit (ICU) beds sa PCGH habang 18 regular COVID beds ang available.
Hindi na rin nakakapagtala ang Pasay ng mga binabawian ng buhay na COVID patients.
65% naman ang occupancy para sa COVID transition wards kung saan may bakanteng 7 kama.
Nananatili ring bukas ang Emergency Room (ER) ng PCGH para sa COVID patients na residente at hindi residente ng Pasay.
Pero ang non-COVID patients lamang na tinatanggap nila ay mga residente ng lungsod.
Facebook Comments