
Pinaigting ng Office of Civil Defense (OCD) ang koordinasyon nito sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan para paghandaan ang patuloy na epekto ng habagat at banta ng panibagong sama ng panahon.
Kabilang sa mga hakbang ang pag-activate ng Emergency Operations Centers, paghahanda ng evacuation sites, rescue teams, at suplay.
Inatasan din ang mga LGUs na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na lantad sa baha at landslide.
Mahigpit ding nakikipag-ugnayan ang OCD sa DOST-PAGASA para agad maipakalat ang mga babala at forecast.
Kasunod nito, muling nanawagan ang OCD sa publiko na maghanda ng emergency go-bags, alamin ang pinakamalapit na evacuation center, at agad lumikas lalo na sa mga nakatira sa baybayin at mabababang lugar.









