Manila, Philippines – Pinakikilos na ng Office of the Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng unit nito para paghandaan ang posibleng epekto ng low pressure area sa bansa.
Nais ni OCD Administrator Ricardo Jalad na magpatupad ng precautionary measure ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO).
Ito ay sa harap na rin ng pabugso-bugso hanggang may kalakasang pag-ulan na nagdulot na ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
Pinaalalahanan din ng OCD at NDRRMC ang mga DRRMO nito makipagtulungan sa local media at lider ng komunidad para mabilis na maipakalat ang mga impormasyon at babala hinggil sa epekto ng LPA.
Facebook Comments