MANILA – Naka-red alert na ang Regional Disaster Risk Management Council (RDRRMC) sa Cagayan Valley sa pananalasa ng bagyong Ferdie.Ayon kay Office Civil Defense Region (OCD) 2 Officer Ronald Villa, na lumikas na ang ilang pamilyang nakatira sa mga bahay na gawa sa light material.Inabisuhan na rin anya ang mga residente sa mga lugar na binabayo ng bagyong Ferdie na maging mapagmatyag lalo na ang mga nakatira sa landslide at flood prone area.Naka-alerto na rin ang OCD Region 1 sa paghagupit ng bagyong Ferdie.Sinabi ni OCD Region 1 Director Melchito Castro, ipinag-utos na ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang pre-position ng mga relief goods habang nakahanda na rin ang mga ahensya ng pamahalaan sakaling magkaroon ng paglilikas.Kasado na rin ang preparasyon ng lokal na pamahalaan ng Batanes.Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, na nakipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal gayundin sa quick response team.Sapat din anya suplay ng kanilang bigas na tatagal ng tatlumpung araw habang nailipat na ang mga residenteng nakatira sa coastal areas.Ang Batanes, ang tumpok ng bagyong ferdie na nasa ilalim ng signal number 4.
Ocd At Rdrrmc, Nakahanda Na Sa Bagyong Ferdie
Facebook Comments