Cauayan City, Isabela – Walang pagkukulang sa mga pabatid ang Office of the Civil Defence-Cordillera Administrative Region at ibang ahensya ng gobyerno sa mga landslide prone area sa lalawigan ng Benguet.
Ito ang mariing inihayag ni OCD-Cordillera Administrative Region Director Ruben Carandang sa panayam ng RMN Cauayan kaugnay sa maraming biktima na nailibing ng buhay sa naganap na landslide dahil sa bagyong ompong.
Aniya may mga paunang abiso sa lahat na ipatupad ang preemptive force evacuation para maiwasan ang casualty ng landslide at flash floods na karaniwang nagaganap sa lugar tuwing tag-ulan o bagyo.
Kaugnay nito, sa pinakahuling datos sa buong rehiyon ng Cordillera ay may un-official na datos na 54 ang namatay, 72 ang sugatan at 49 ang nawawala kung saan sa mga nasugatan ay labing isa ang nasa isang pagamutan,at 42 ang hindi pa napapangalanan sa mga nawawala.
Sa Itogon, Benguet ay 38 ang namatay na narekober, labing pito ang sugatan at 37 ang nawawala at 36 sa mga namatay ang hindi pa nakikilala.
Matatandaan na karamihan sa mga biktima ng landslide ay mga minero ng small mining company sa nasabing probinsya at patuloy parin hanggang sa ngayon ang rescue operations sa mga biktima ng landslide.
tags;Luzon,RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,OCD-CAR,Ruben Carandang