OCD, hinimok ang mga LGUs na magsagawa ng preemptive evacuation hanggang linggo bilang paghahanda sa Bagyong Uwan

Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Camp Aguinaldo, hinimok ni Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV ang mga local government units na magpatupad hanggang linggo ng mandatory at preemptive evacuation sa mga lugar na maapektuhan ng paparating na Bagyong Uwan.

Ayon sa kanya ang mga areas of concern ay sa parte ng Hilagang Luzon partikular na sa Region 1, CAR, 2, 3, CALABARZON at Region 5.

Ngunit dahil sa lawak ng nasabing bagyo ay maaari din itong umabot sa Region 6, Negros Island Region, 7 at 8.

Dagdag pa ni Alejandro, inabisuhan na ng ahensya ang mga rehiyon partikular sa Region 1, 2 at CAR na maghanda dahil hindi lang hangin ang kalaban sa nasabing bagyo dahil may banta din ito ng matinding pag-uulan kasama na ang mga storm surge sa mga komunidad na malapit sa baybayin.

Ayon pa sa kanya, dahil sa ganitong sistema ay maaari din itong magdulot ng malawakang pagbabaha at pagguho ng lupa sa mga prone areas.

Kaugnay nito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay naka-full force at naka-red alert na simula ngayong araw.

Facebook Comments