OCD, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Isasagawa sa darating na Huwebes, September 11, 2025 ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo gaganapin ang Ceremonial Pressing of the Button bilang hudyat ng sabayang pagsasanay sa buong bansa.

Samantala, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City idaraos ang full-scale exercise.

Pangungunahan ito ng OCD kasama ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, uniformed services, mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor.

Layon ng naturang drill na mapalakas ang kahandaan ng publiko sakaling tumama ang malakas na lindol partikular na ang “The Big One.”

Kasunod nito, hinihikayat ng OCD ang publiko na aktibong makilahok sa sabayang earthquake drill.

Facebook Comments