OCD, ipinadedeklarang national parks ang mga lugar sa bansa na peligroso sa mga kalamidad

Iminungkahi ng Office of Civil Defense (OCD) na ideklara bilang national parks ang mga lugar sa bansa na vulnerable sa mga kalamidad partikular na sa volcanic eruptions.

Ayon kay Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno, layon nitong masolusyunan ang problema sa paglilikas ng mga residente sa tuwing nag-aalburoto ang mga aktibong bulkan sa bansa.

Aniya, marapat lamang na walang naninirahan sa 6km permanent danger zone ng Mayon.


Paliwanag ni Nepomuceno, kapag naideklara na itong National Park pagbabawalan na ang sinuman na manirahan dito upang maiwasan ang aksidente o pagkalagas ng buhay.

Sa oras aniya na suportahan ito ng mga mambabatas sakop nito ang lahat ng lugar sa bansa na mayruong active volcanoes.

Facebook Comments