Nakataas na ang alerto ng Office of Civil Defense (OCD) dahil sa posibleng epekto ng Super Typhoon Betty na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, isinailalim na sa red alert status ang OCD.
Ibig sabihin ay mas paiigtingin nila ang kanilang monitoring sa galaw ng bagyo, gayundin ang disaster response.
Giit ni Alejandro, nakahanda na ang OCD at kanilang Regional Offices sa inaasahang epekto ng bagyo.
Naglatag na rin ng mga hakbang ang pamahalaan saka-sakaling magkaroon ng emergency.
Samantala, nakapag-deploy na rin ng search & rescue teams sa mga lugar na inaasahang hahagupitin ng Bagyong Betty.
Facebook Comments