OCD, isinusulong ang pagpapalakas ng earthquake drill sa mga eskuwelahan

Ipinanukala ng Office of Civil Defense (OCD) ang mas pinaigting na pagsasagawa ng earthquake drill sa mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, nakipag-ugnayan na sila kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara para sa isang pulong kaugnay ng plano.

Bahagi aniya ito ng long-term strategy ng ahensya para maisama sa curriculum ang konkretong paghahanda sa lindol, gaya ng mga aktwal na pagsasanay sa loob ng mga paaralan.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang “muscle memory” ng publiko sa panahon ng kalamidad.

Samantala, tiniyak ng OCD na walang nasawi o nasaktan sa tumamang 6.1 magnitude na lindol sa Davao Occidental nitong Sabado.

Wala ring naiulat na bitak sa lupa o malalaking pinsala, batay sa inisyal na assessment ng ahensya.

Facebook Comments