Itinaas na ng Office of Civil Defense (OCD) sa red alert status ang Bicol Region dahil sa inaasahang pagtama ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay OCD-Bicol Regional Director Claudio Yucot, ang lahat ng response assets at ahensya ng Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ay nakahanda na sa posibleng deployment sa mga Local Government Units (LGU) na dadaanan ng bagyo.
Nagpatupad na rin ng ‘no sail’ policy sa lahat ng mangingisda.
Nagkaroon na rin ng pre-emptive evacuation sa mga residenteng nakatira sa low-lying at high areas na maapektuhan ng flashfloods at landslides.
Pinayuhan din ni Yucot ang lahat ng DRRM councils na gamitin ang lahat ng paraan ng komunikasyon para maipaabot sa mga residente ang mga babala at abiso.
Facebook Comments