OCD, maagang ipinakalat ang kanilang rescue teams

Nagsagawa kahapon ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Office of Civil Defense (OCD) sa Kampo Aguinaldo kung saan puspusan na ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan para sa pagpasok sa bansa ng Bagyong Mawar o Betty.

Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Asec. Raffy Alejandro, nakatutok sila sa galaw ng bagyo at sa posibleng paglakas pa nito habang papalapit sa Pilipinas.

Ani Alejandro, naka-deploy na ang rescue teams sa iba’t ibang lugar sa bansa, habang ongoing naman ang prepositioning ng relief goods.


Patuloy rin ang ugnayan ng OCD sa kanilang regional counterparts at maging sa mga lokal na pamahalaan.

Samantala, bilang bahagi ng kanilang emergency preparedness and response protocol sinabi ni Alejandro na sinimulan na rin nila ang pagpapakalat ng mga babala at mga impormasyon sa publiko hinggil sa posibleng epektong ng bagyo.

Facebook Comments