Kasunod ng phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal noong Miyerkules ng hapon.
Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na may ipinatutupad na safety measures ang pamahalaan at patuloy na aagapay sa mga maaapektuhang indibidwal.
Ayon kay Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno mahigpit na binabantayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), regional at Local Government Units (LGU) sa Calabarzon ang sitwasyon sa Bulkang Taal.
Samantala, mahigpit paring ipinatutupad ang No Human Settlement Area sa Taal Volcano island dahil narin sa patuloy na abnormalidad ng bulkan.
Kasunod nito, pinapayuhan din ng pamahalaan ang publiko na wag pumasok sa Taal’s Permanent Danger Zone lalo na sa Main Crater at ang Daang Kastila fissure.
Pinapayuhan din ang mga apektadong residente na maging vigilante at makinig sa anumang abisong ilalabas ng kinauukulan.