OCD, mas pinaigting ang kanilang relief operations sa mga biktima ng kalamidad sa Davao Region

Mas pinaigting pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang kanilang relief operations sa mga biktima ng kalamidad sa Davao Region.

Ito’y matapos mag-iwan ng malaking epekto sa rehiyon ang Northeast Monsoon at trough ng low pressure area (LPA).

Nakapagsagawa ng humanitarian assistance and disaster response (HADR) mission ngayong araw ang OCD-Zamboanga Peninsula sa pamamagitan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa mga apektadong komunidad sa rehiyon.


Ayon sa OCD, nakapag-transport sila ng 15,000 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mayroon nang mahigit 1.2 milyong mga indibdwal ang apektado ng weather disturbances sa ilang rehiyon sa Mindanao.

Umabot naman sa kabuuang ₱147-million ang halaga ng tulong ang naibigay na ng pamahalaan sa Regions 10, 11, Caraga at BARMM.

Facebook Comments