Kasunod nang nararanasang smog o vog sa ilang siyudad at munisipalidad sa Batangas.
Muling nagpaalala ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na mag-ingat at iwasan ang exposure dito.
Ayon kay Civil Defense Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, naranasang muli ang Taal vog sa Batangas at mga kalapit na lalawigan kahapon kung kaya’t kanilang pinapayuhan ang publiko na limitahan ang outdoor activities, manatili sa loob ng tahanan, at isara ang mga pinto at bintana, uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng throat irritation at magpakonsulta sa doktor kung kinakailangan.
Sinabi pa ni Nepomuceno na naka-alerto ang kanilang regional counterpart sa CALABARZON at ang national government ay nakahanda sa pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhang residente.
Nakapagbigay narin aniya ng mahigit 96,000 face masks ang OCD at Department of Health (DOH) sa mga apektado partikular sa Batangas, Cavite, at Laguna.
Base sa pinaka huling tala ng DOH, 714 cases ng respiratory complaints ang kanilang natangganp dahil sa vog kung saan ang mga pasyente ay nakakaranas ng sore throat, difficulty of breathing, ubo, at iba pa.