
Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga lokal na pamahalaan at mga komunidad na manatiling alerto dahil sa banta ng sama ng panahon.
Ito’y kasunod ng inaasahang pag-ulan dala ng Tropical Depression Crising at iba pang weather systems na pinalalakas ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa ulat ng PAGASA posibleng dumaan malapit o mag-landfall sa Babuyan Islands o mainland Cagayan ang Tropical Depression Crising.
Hindi rin isinasantabi ng PAGASA na maging tropical storm si Crising at posible ding lumakas bilang severe tropical storm o typhoon bago ito tumama sa lupa.
Panawagan ng OCD, maghanda at manatiling naka-monitor sa mga abiso ng awtoridad upang makaiwas sa posibleng pinsala.
Una nang isinailalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Blue Alert status ang kanilang Operations Center dahil sa sama ng panahon na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa.









